-- Advertisements --
image 368

Inanunsiyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na malapit nang magbukas ang call center na tutugon sa mga alalahanin ng mga overseas Filipino worker.

Ayon kay DMW Undersecretary Hans Cacdac, ito ay isang mega monitoring at call center na kung saan ang humigit-kumulang 50 hanggang 100 tao ay sapat upang subaybayan ang mga tawag.

Aniya, kinakailangan din ito ng budgetary support para sa pagha-hire ng additional personnel.

Sinabi ng DMW na ang call center ay inaasahang magbubukas sa loob ng kasalukuyang taon partikular na bago ang buwan ng Disyembre.

Dagdag dito, ang nasabing call center ay gagawin mula sa DMW site.

Sa kabilang banda, ang Overseas Workers Welfare Administration, na naging attached agency sa DMW, ay mayroon nang hotline para sa mga katanungan o alalahanin na may kinalaman sa mga OFW.

Ngunit sa sandaling magbukas ang call center, maaaring magkaroon ng bagong hiwalay na hotline para sa lahat ng mga alalahanin at katanungan ng mga OFW sa ating bansa.