-- Advertisements --
Mahigpit na tinututukan ng Department of Migrant Workers (DMW) ng kaso ng pinaslang na overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na mayroon na silang abogado sa lugar na nakikipagtulungan sa mga opisyal ng Kuwait para malaman ang tunay na sanhi ng kamatayan ni Dafnie Nacalaban.
Inamin naman ng naarestong suspek sa mga otoridad ng Kuwait ang ginawa nitong pamamaslang.
Magugunitang noong Oktubre pa ng umalis sa kaniyang employer si Nacalaban at natagpuan ang bangkay nitong naaagnas sa loob ngisang bahay ng Kuwaiti citizen noong Disyembre 31.
Pinuntahan na rin ng DMW ang pamilya ng biktima para magbigay ng mga makabagong impormasyon.