Malugod na tinanggap ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang British Ambassador to the Philippines na si Laure Beaufils, sa courtesy call ng Department of Migrant Workers Office sa Mandaluyong City.
Ipinahayag ni Migrant Workers Secretary Ople ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng United Kingdom sa pagho-host ng humigit-kumulang 189,00 na mga Pilipino.
80,020 sa mga ito ay mga Overseas Filipino Workers, karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho bilang healthcare workers.
Ipinaabot naman ni Ambassador Beaufils ang malalim na pagpapahalaga ng United Kingdom government sa dedikasyon ng mga Filipino health care workers sa kasagsagan ng pandemya.
Aniya, karamihan sa mga Briton ay may personal na kuwentong ibabahagi sa pakikiramay, pangangalaga, at kasanayang ipinakita ng isang Pinoy na manggagawa bilang isang masigasig na healthcare worker.