-- Advertisements --

Patuloy ang mga programa ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga Overseas Filipino workers na umuuwi sa bansa.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na mula pa noon ay may mga programa na sila para sa kapakanan ng mga OFW.

Ipinagmalaki din nito ang record high ng mga remittance rate ng mga OFW ngayong taon.

Mula pa noon aniya ay mayroong mahigpit na ugnayan ang DMW sa iba’t-ibang ahensiya para maprotektahan ang mga OFW na nasa ibang bansa.