Minamadali na ng Department of Migrant Workers ang mga kinakailangang proseso para maiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng tatlong namatay na OFWs sa UAE matapos ang naganap na malawakang pagbaha sa naturang lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na patuloy ang kanilang mga pakikipag koordinasyon partikular ng kanilang Migrant Workers Offices sa Dubai at Abu Dhabi.
Layon ng hakbang na ito na maging maayos ang pagbyahe ng mga labi ng nasawing Pilipino pabalik ng Pilipinas.
Nakausap na rin ng kanilang ahensya at ng Overseas Workers Welfare Administration ang pamilya ng mga biktima.
Batay sa datos ng DMW, isang lalaki at dalawang babae na OFWs ang kabilang sa mga nasawi matapos na bahain ang Dubai kamakailan.
Inulat rin ng ahensya ang dalawang OFWs na nagtamo ng minor injury ng mahulog sa sinkhole ang kanilang sasakyan at ang mga ito ay nagpapagali pa rin sa ospital.