-- Advertisements --

Muling tiniyak ng Department of Migrant Workers ang tulong para sa mga naiwang pamilya ng 3 OFWs na nasawi sa Dubai dahil sa pagbaha kamakailan.

Ginawa ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang pahayag ngayong araw kasabay ng pagbisita nito sa pamilya ng isa OFW na nasawi.

Ayon kay Cacdac, sa ngayon ay patuloy nilang pinoproseso ang mga dokumento ng tatlong nasawing OFW katulad ng death certificate maging ang forensic report.

Ito ay upang maging mabilis ang pagpapauwi nito sa bansa ngayong linggo.

Kabilang naman sa tulong na ito ay pagpapaabot ng burial assistance, funeral assistance, at pinansyal.