-- Advertisements --

Kasabay ng paggunita ngayong araw ng Labor day ay nag-alok rin ng mahigit 4,000 na trabaho ang Department of Migrant Workers sa pamamagitan ng kanilang job fair ngayong araw.

Sa isang pahayag, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, layon ng hakbang na ito na mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga Pilipino na nagnanais makakuha ng ikabubuhay at makapagtrabaho abroad.

Aabot naman sa 18 licensed recruitment agencies ang kalahok sa naturang mega job fair na inorganisa mismo ng ahensya.

Sinimulan ito kaninang alas 10 ng umaga sa isang mall sa harap mismo ng tanggapan ng DMW.

Bukod dito, nagkaroon din ng memorandum of Understanding ang DMW at ang nasabing kilalang mall.

Nanawagan rin si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa mga nais mag-apply ng trabaho sa ibayong dagat na samantalahin na ang pagkakataong ito.

Tiyakin lamang aniya na kumpleto ang mga kinakailangan dokumento para maging mabilis ang proseso.