NAGBABALA ang Department of Migrant Workers sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa laban sa mga text message na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang mga personal na data at impormasyon.
Ayon sa ahensya, ang mga text scam message ay ipinapadala ng mga walang prinsipyong indibidwal na gumagamit ng pangalan ng ahensya.
Paliwanag ng DMW, ang tatanggap ng mensahe ay diumano’y naaprubahan ng DMW sa kanyang aplikasyon at dinidirekta na i-click ang kasamang link.
Ito aniya ay malinaw na isang uri ng phishing scam.
Sa oras na ma click ito ng isang indibidwal ay madederekta ito sa isang website at dito na maaaring manganib ang personal data, password, account number, at iba pang sensitibong personal information na posibleng gamitin ng mga ito sa ilegal na aktibidad.
Pinayuhan ng DMW ang publiko na “idisregard or idelete” na lang ang mensahe.