-- Advertisements --
Nagbukas ang Department of Migrant Workers (DMW) ng helplines para sa mga overseas Filipino Workers na hindi pa nabayaran ang kanilang sahod mula sa mga employers nila sa Saudi Arabia.
Ayon sa DMW na maaring magpadala ng mensahe ang mga OFW na hindi pa nakakatanggap ng bayad sa saudiclaims@dmw.gov.ph o tumawag at magmensahe sa numerong 09205171059.
Sa kasalukuyan kasi ay ipinoproseso na ng Saudi Arabia government ang sahod ng nasa 10,000 na OFW na nawalan ng trabaho mula 2015 at 2016.
Ang ilang kumpanya kasi sa Saudi Arabia ay nagdeklara ng bankruptcy kaya hindi nabayaran ang mga OFW.