-- Advertisements --
Patuloy ang pagbibigay ng Department of Migrant Workers ng job opportunities sa mga Filipina ngayong International Women’s Month.
Kaugnay nito ay aabot sa 3,000 job vacancies mula sa iba’t-ibang bansa ang inialok ng ahensya.
Kabilang sa mga trabahong inialok ay cruise ship jobs isa na rito ang housekeeping, waiter, at galley attendant.
Naglalaro ang sahod sa $650 o katumbas ng P40,000.
Ayon sa ahensya, nag-aalok ang Saudi Arabia, Oman, UAE, Hungary, at Taiwan ng mga trabaho na may kinalaman sa hotel industry.
Bukod dito ay naghahanap rin sila ng mga nurses at caregivers.
Factory workers at skilled workers naman ang hinahanap ng Taiwan at iba pang European countries habang beauticians at nail technicians ang iniaalok ng Saudi Arabia.