-- Advertisements --

Nagpahayag ng pasasalamat si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa mga ahensyang katuwang at tumulong sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at ilan pang inter-agencies para sa ikabubuti at ikagiginhawa ng transportasyon ng mga pasahero na lalabas at papasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lalo na para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).

Naitayo at bukas na kasi para sa mga OFW’s ang Immigration na exclusive para lamang sa kanila na mas maayos at mas mabilis na ang pagpoproseso.

Ang bahaging ito ng NAIA ay accessible para sa mga OFW’s dahil mas malapit na ito sa OFW lounge kung saan maaaring gawing pahingahan at hintayan ng mga ito ang bahaging ito.

Samantala, ang mga programa at mga pagbabagong ito sa paliparan ay hindi lamang para sa kaginhawaan ng mga OFW’s ngunit para rin bigyang parangal sa kanila at pagkakaunawa sa kanilang mga pinagdaanan sa ibang bansa.

Sa pamamagitan aniya nito ay naipapakita ng pamahalan na mahalagang role ang ginagampanan ng mga OFW’s sa lipunan, sa inyong pamilya at sa mismong bayan.