-- Advertisements --

Nakikitang dadami ang oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino sa Japan, South Korea at sa iba’t ibang probinsya sa Canada ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa Saskatchewan province ng Canada, aktibong nagrerecruit ito ng mga Pilipinong manggagawa partikular na ang mga healthcare professionals.

Ayon kay DMW USec. Patricia Yvonne Caunan, tinatrabaho na ng ahensiya ang isang framework agreement para sa deployment ng mas maraming manggagawa sa Canada.

Paliwanag naman ng DMW official na magpapabilis ang naturang framework sa recruitment process at malilinaw ang halaga ng employment sa terms of agreement.

Kadalasan aniya sa mga hinahanap ng ay mga welders, pipe fitters at sa sektor ng hospitality.

Liban dito nakikita din ng DMW ang pagbubukas ng oportunidad sa trabaho sa Asian countries gaya ng Japan at South Korea.

Interesado ang Japan sa pag-hire ng mga Pilipino sa sektor ng agrikultura, hospitality at manufacturing gayundin sa care workers.

Nagpapatuloy din ang paguusap para sa posibleng deployment ng caregivers para sa South Korea.

Sa ngayon, nananatiling in demand din aniya ang mga Pilipinong manggagawa sa Hongkong at Taiwan.