-- Advertisements --
Nawawala pa rin hanggang sa ngayon ang isang Filipino crew member na sakay ng MV Tutor na inatake ng rebeldeng grupo na Houthi sa bahagi ng Southern Red Sea sa Gulf of Aden.
Ayon sa Department of Migrant Workers, patuloy na ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs, manning agency at ship owner ng MV Tutor para mahanap ang nawawalang pinoy na tripulante.
Batay sa datos, aabot sa 22 ang sakay na crew member ng barko na karamihan ay mga Pilipino.
Dahil sa pag-atake ng Houthi at mahalagang parte ng barko maging ang makina nito ay sumabog dahil sa pinsalang natamo.
Umaasa naman ang ahensya na mahahanap ang nawawalang Pinoy.