-- Advertisements --

Nakipagpulong si DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne “PY” M. Caunan ay nakipagpulong kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong upang talakayin ang isang panukalang balangkas ng kooperasyon para sa recruitment at pagsasanay ng mga healthcare workers.

Ipinaalam ni Undersecretary Caunan kay Mayor Magalong na para mapanatili ang recruitment ng mga healthcare workers sa ibayong dagat at alinsunod sa pagsisikap ng Presidential Private Sector Advisory Committee (PPSAC) na tugunan ang kakulangan ng healthcare workers sa bansa, ang DMW ay nakikipagtulungan sa mga local government units, pribadong sektor, at iba pang mga bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng mga bilateral ties para sa mga scholarship at faculty development program ng mga healthcare worker, guro, at aspiring nurses.

Sa ilalim ng programa, sinabi ni Caunan na ang mga iskolar ay sasailalim sa pagsasanay at maglilingkod sa mga ospital ng kani-kanilang lokalidad sa loob ng hindi bababa sa 2-3 taon bago ang kanilang deployment sa ibang bansa.

Tiniyak naman ni Mayor Magalong sa DMW ang kanyang buong suporta sa pagpapatupad ng mga programa na makikinabang sa mga OFW at kanilang mga pamilya na ang Baguio ay may malaking populasyon ng mga nursing school at mga estudyante.