-- Advertisements --
image 428

Nakipagpalitan ng mga opinion si Migrant Workers Secretary Susan Ople, kasama si Undersecretary Py Caunan kay Manitoba Minister of Labor and Immigration Jon Reyes sa pagpapasulong ng labor cooperation sa pagitan ng Pilipinas at ng Canada sa recruitment ng mga Filipino nurses at healthcare professionals.

Gayundin ang panukalang scholarship fund para sa mga Filipino nursing students na gustong magtrabaho sa Canada.

Ang Ministro ng Manitoba ay nagpahayag ng interest sa pagkuha ng mas maraming skilled Filipino health professionals sa ilalim ng isang bagong programa na susuporta financially sa mga Filipino nurses.

Kasama sa nasabing programa ang pagbibigay ng airfare, accommodation, at training ng mga ito.

Dagdag dito, ipinaabot naman ni Secretary Ople ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng Canada para sa kanilang mabuting pakikitungo at matatag na pangako sa pagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng mga migranteng manggagawang Pilipino gayundin sa pagkilala sa propesyonalismo ng mga Pinoy nars.

Una na rito, ang Ministro ng Manitoba kasama ang kanyang mga delegado ay nagsagawa ng courtesy call sa Department of Migrant Office sa Mandaluyong City.