Namahagi ang Department of Migrant Workers ng tulong pangkabuhayan o livelihood aid sa mga kababaihang nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers (OFW) ng bansa.
Tinatayang nasa higit sampung milyon ang inilaan at ibinigay para rito na maituturing isa sa mga pinakamalaking single disbursement ng kagawaran sa isang programa.
Kung saan 1,067 mga babaeng Overseas Filipino Workers ang nakatanggap ng livelihood assistance sa tulong ng Department of Migrant Workers.
Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kasama si Secretary Amenah P. Pangamdaman ang distribusyon ng tig-10 libong piso halaga sa 128 OFWs ng National Capital Region habang 939 mula naman sa labing limang ibang rehiyon sa bansa.
Inihayag ni Secretary Cacdac ng DMW na ang programang ito na ‘Balik Pinay, Balik Hanapbuhay’ ay alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. na seguradhin ang produktibong resignation ng mga pamilyang mayroong OFW kaanak.
Dahil dito inihayag ng naturang kalihim ang kanyang pasasalamat sa pangulo na aniya’y buo ang suporta sa kanilanag kagawaran upang maisakatuparan ito.