Nanindigan si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa pagpapatuloy ng gagawing paghahanap sa nawawalang seaman mula sa M/V Tutor na unang inatake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea.
Ayon kay Sec. Cacdac, ayaw muna nitong gumawa ng anumang konklusyon.
Una nang nagbigay ng statement ang US National Security Council noong araw ng Martes na nagsasabing isang Filipino seafarer ang napatay sa pag-atake.
Pero ayon kay Cacdac, mananantiling tatawagin ang marinong Pinoy bilang ‘missing’ at magpapatuloy ang search operation para sa kanya.
Nauna nang sinabi ng kalihim na kailangang makita muna ang katawan ng biktima bago gumawa ng anumang konklusyon ukol sa kanya.d
Sa ngayon ay hihintayin muna aniya ang resulta ng isasagawang paghahanap, basta’t matiyak na ligtas na itong isagawa sa pinasabugang barko.
Una ring sinabi ng kalihim na nananatiling ‘hopeful’ ang ahensiya na buhay pa ang marinong Pilipino.