-- Advertisements --

Aminado ang Department of Migrant Workers na talamak pa rin ang mga ilegal recruitment agency sa bansa.

Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya na patuloy ang kanilang ikakasang operasyon laban sa mga peke at nagpapanggap na lehitimong recruitment agency.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia , bukod sa mga pekeng recruitment agency, mayroon ring mga pekeng individual na nagpapanggap na kinatawan ng mga ilegal na agency.

Ani Olalia, nakatakda nilang sampahan ng kaso ang tatlong indibidwal na nagpapanggap na employado ng isang legal na agency.

Ang mga ito ay ang itinuturong suspect sa panloloko sa 42 mga Pilipino.

Nag-aalok ang mga ito ng pekeng trabaho sa bansang New Zealand at Canada bilang fruit pickers.

Aabot aniya sa P30,000 hanggang P80,000 na sahod ang iniaaalok ng mga ito dahilan kung bakit marami ang kumakagat sa kanilang modus.

Inaatasan din ang mga ito na ibigay ang kanilang bayad gamit ang E-wallet.

Mahaharap ang mga ito sa kasong large scale estafa dahil sa dami ng mga nabiktima nito sa buong bansa.