Tiniyak ng pamunuan ng Department of Migrant Workers na patuloy ang kanilang monitoring sa Taiwan matapos ang naganap na ‘twin-quakes’ kaninang madaling araw.
Batay sa datos, pumalo sa magnitude 6 at 6.3 ang naramdamang pagyanig sa Hualien County Taiwan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na wala namang naitalang Pinoy na nasawi o nasugatan matapos ang kambal na pagyanig.
Iniulat rin ng opisyal na sinuspinde na ng klase ang mga paaralan sa naturang lugar.
Hindi naman madaanan ang ilang kalsada dahil sa mga gumuhong lupa.
Pumalo na rin sa mahigit 1000 ang naabutan ng tulong ng ahensya partikular ng kanilang Migrant Workers Office katuwang ang Manila Economic and Cultural Office.
Patuloy naman ang pakikipag-coordinate ng ahensya sa mga Pilipino na nasa Hualien County, Taiwan.
Layon ng hakbang na ito na matiyak na nasa maayos na kundisyon ang mga Pilipino sa lugar.