Nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Offices (MWO) sa Osaka at Tokyo sa Japan, sa employers at sa mga kumpanyang pinapasukan ng mga Pilipino sa Ehime at Kochi prefectures.
Ito ay matapos na tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa kanlurang bahagi ng Japan kahapon.
Layon ng hakbang na nito na alamin ang kalagayan ng mga Pinoy na naririnahan at nagtatrabaho sa naturang bansa.
Ito ay bagamat wala namang naiulat na Pilipinong nasawi o nasaktan sa nasabing pagyanig batay sa datos ng Migrant Workers Office doon.
Sa nasabing lindol, 8 ang nasugatan bagamat hindi naman ito nagdulot ng malaking pinsala.
Batay sa datos ng Japan Meteorological Agency, naitala ang sentro ng lindol ay sa Bungo Suido channel sa timog ng Osaka.
Kinumpirma naman ng ahensya na walang naitalang tsunami bunga ng pagyanig.