-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Department of Migrant Workers ang employment restrictions sa mga Overseas Filipino Workers na kanilang ipinatutupad ng mas mahigpit ngayon.

Ito ay alinsunod sa posibilidad ng pagkakaroon ng deployment ban partikular sa bansang Kuwait.

Ayon kay Atty. Hans Leo Cacdac, ang kasalukuyang secretary ng Department of Migrant Workers, patuloy ang kanilang obserbasyon sa isinasagawang paghihigpit.

Giit pa ng naturang kalihim, hindi nila isinasantabi ang posibilidad ng mas mahigpit na restrictions kasabay ng pagkakaroon din ng deployment kung kinakailangan.

Alinsunod naman sa magkasunod na kaso ng mga nasawing OFW sa Kuwait, inihayag ni Secretary Hans Leo Cacdac na kanila ng nirerepaso ang mga kasalukuyang polisiya hinggil sa mga pangyayari.