-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang DMW sa pakikipagtulungan sa mga stakeholders para maipatupad ang pagtukoy sa Straight of Hormuz bilang isang “high-risk area.”

Ayon kay Migrant Workers Officer-In-Charge, Usec. Hans Leo Cacdac, layon ng hakbang na ito na maprotektahan ang kapakanan ng mga tripulanteng Pilipino na dumadaan sa naturang lugar.

Kung maaalala, apat na mga tripulanteng Pilipino ang nabihag ng mga Iranian Authorities matapos na dumaan sa nasabing lugar ang kanilang sinasakyan na MSC Aries.

Binigyang diin pa ni Cacdac na ang panukalang ito ay kanilang igigiit sa International Bargaining Forum.

Sa nasabing forum ay miyembro ang International Transport Workers Federation at International Maritime Employers.

Punto pa ng opisyal na sa pamamagitan nito ay mas lalong mapapalakas ang safety measures sa mga barko na dadaan sa mga critical waterway.