-- Advertisements --
Pinayuhan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pinoy seafarers parea maiwasan ang anumang pagdukot mula sa pirata lalo sa Gulf of Aden.
Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac , na may karapatan ang mga Pinoy seafarers na sumama sa barkong sinasakyan nila kung ito ay dadaan sa Gulf of Aden.
Maari silang magpa-repatriate at ito ay sasagutin ng kumpanya ang lahat ng gastusin.
Kasabay din nito ay tatanggap din ang mga seafarers ng kompensasyon na katumbas ng dalawang buwan na basic wage.
Ang nasabing kautusan ay mula sa desisyon ng International Bargaining Forum’s (IBF) na palawigin ang sakop ng high-risk areas sa kabuuan ng Gulf of Aden.