-- Advertisements --
OFWs OFW NAia cacdac

Plano ng Department of Migrant Workers (DMW) na makapagpatayo ng hanggang apat na karagdagang Migrant Workers Office bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ayon kay Usec Hans Leo Cacdac, ang mga ipapatayong opisina ay upang mas mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga OFWs na nais lumapit o magpatulong sa pamahalaan.

Sa ilalim aniya ng batas, kailangan ding maipatayo ang mga ito sa mga embahada at consular office ng Pilipinas sa iba’t-ibang mga bansa.

Kabilang sa mga bansa o teritoryo na nais nilang mapatayuan ng opisina ay ang Guam, Bankok, Thailand, Hungary, at Africa.

Ayon kay Cacdac, kabilang sa mga tinitingnan ng DMW para sa karagdagang pagpapatayo ng opisina ay ang populasyon ng mga OFWs.

Ang mga bansang may mas mataas na bilang ng mga OFW ay silang pangunahing prayoridad sa pagpapatayo ng mga ito.

Maliban sa apat na target na maipatayo bago matapos ang kasalukuyang taon, plano rin ng nasabing tanggapan na makapagpatayo ng siyam na iba pang opisina sa ibat ibang bahagi ng mundo, pagsapit ng 2024.