-- Advertisements --
Naghain ng dalawang linggong wellness break si Migrant Workers Secretary Susan Ople.
Ito ay para magkaroon ng panahon sa pagluluksa dahil sa pagpanaw ng dalawang kapatid nito.
Kinumpirma nito na ang kapatid nitong si dating Hagonoy Mayor Felix “Toti” Ople at dating mamamahayag na si Blas Ople Jr ay pumanaw na dahil sa lung cancer.
Pinayagan umano siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para magkaroon ng panahon ng pagluksa.