
Siniguro ng pamunuan ng department of Migrant Workersna nakatutok ito sa kalagayan ng mga manggagawang pinoy sa Morocco na apektado sa malakas na lindol.
AYon kay Sec. Hans Cacdac, sa kasalukuyan ay nananatiling walang pinoy casualties na naitala ang mga otoridad ng Morocco.
Maliban aniya sa kanilang Labor Attache sa Morocco, nakipag-ugnayan na rin ang DMW Department of Foreign Affirs upang magtulungan sa pagbabantay sa kalagayan ng mg OFWs.
Ayon kay Cacdac, magpapatuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Morocco, sa likod ng malang naitalang mga pinoy workers na naapektuhan.
Batay sa talaan ng DMW, mayroong humigit kumulang 4,600 na mga Pilipino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa naturang bansa.
Karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho bilang mga skilled workers, household workers, at mga guro.