-- Advertisements --
image 21

Masusing iniimbestigahan na ng Pilipinas ang pagkamatay ng isang manggagawang Pilipino sa Saudi Arabia.

Una nang kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) sa isang pahayag ang pagkamatay ni Marjorette Garcia, isang domestic worker na naka-deploy sa Saudi noong 2021.

Ang 32-anyos na Pinay ay natagpuang may mga saksak sa kanyang katawan.

Sinabi ng DMW na ang opisina nito sa Al-Khobar at ang Overseas Workers Welfare Administration ay nakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy at Saudi police para matukoy ang dahilan sa likod ng pagkamatay ni Marjorette Garcia.

Nangangako ang DMW kasama ang iba pang kaugnay na ahensya na kanilang tutukuyin at mariing aalamin ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima at pananagutin ang may sala sa umano’y insidente.

Sa kasalukuyan, nagpahayag din ng suporta ang DMW upang matulungan ang naiwang pamilya ng biktima.