-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na kanilang tutulungan ang nasa mahigit 300,000 na mga undocument Filipinos na nasa US.
Ang mga ito ay pinangangambahang palalayasin sa US sa pag-upo ni president-elect Donald Trump.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na hindi bababa sa 370,000 na mga undocumented na Filipino immigrants ang nasa US.
Sa unang termino kasi ni Trump noong 2017 hanggang 2020 ay nasa 3,500 na mga Filipinos ang pinauwi.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa Department of Foreign Affairs ukol sa nasabing pagtulong sa mga hindi dokumentadong Pinoy.