Tiniyak ng Department of Migrant Workers na magpapaabot ito ng tulong sa mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers na nasawi sa malawakang pagbaha sa Dubai, United Arab Emirates.
Ayon kay DMW Officer-in-Charge, Hans Leo Cacdac, sa ngayon ay isinasaayos na nila ang repatriation ng mga labi ng naturang mga biktimang OFW sa tulong na rin ng kanilang patuloy na pakikipagkoordinasyon sa iba pang ahensya ng pamahalaan at maging sa naturang bansa.
Kasabay nito ay tiniyak niya na walang kinakailangang gastusin ang naiwang pamilya ng mga biktima kahit isang kusing ukol dito.
Bukod dito ay magbibigay din ahensya ng psychological counseling and financial assistance para sa pamilya ng mga biktima.
Samantala, sa ngayon ay patuloy ang ginagawang monitoring ng DMW sa medical status ng dalawang OFWs na kinailangang isailalim sa kaukulang surgery matapos na magtamo ng matinding pinsala nang dahil pa rin sa naturang pagbaha.
Habang nagpapatuloy naman ang ginagawang relief operations ng ahensya para tulungan ang nasa libo-libong mga OFW na apektado ng malawakang pagbaha sa naturang UAE.