-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Migrant Workers na mananagot sa batas ang employer ng nasawing overseas filipino worker (OFW) na si Jenny Alvarado sa Kuwait dahil sa umano’y naging kapabayaan nito.

Kung maaalala, nasawi si Jenny mula sa naganap na sunog sa naturang lugar dahil sa suffocation.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nakatakda silang maghain ng kaso laban sa employer ni Jenny.

Nangako rin ito sa pamilya ng biktima na mapapanagot ang kanyang employer.

May pananagutan rin aniya ang employer ni Jenny sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga empleyado lalo na ang mga kasambahay na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.

Maliban kay Jenny, nasawi rin sa sunog dahil sa suffocation ang isang Nepalese at Sri Lankan na katrabaho nito noong Enero 2.

Bubuo rin ang kanilang grupo ng kaso na posibleng maihain laban sa courier o service provider na nagpadala ng maling bangkay sa Pilipinas.