Wala paring patid ang mga ginagawang hakbang ng Department of Migrant Workers (DMW) para matulungan ang displaced overseas Filipino workers na nawalan ng kanilang trabaho sa Saudi Arabia.
Ito ay matapos na malugi ang mga kumpanya sa naturang lugar dahil sa malawakang financial crisis noong 2015 hanggang 2016.
Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, ito ay sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement ay nilagdaan ng kanilang ahensya at dalawang bangko ng gobyerno.
Layon nito na mapabilis ang pagproseso ng mga tseke na inisyu ng Saudi Government para sa hindi nabayarang sahod at benepisyo.
Tutulong rin ang ahensya sa pagtukoy ng mga tagapagmana ng mga namatay na Saudi OFW claimants at iba pang serbisyo.
Kung maaalala, sinimulan na ng Alinma Bank of Saudi Arabia noong Nobyembre ng nakaraang taon ang pamamahagi ng mga tseke sa displaced Saudi OFWs.