Tiniyak ng Department of Migrant Workers na ligtas ang overseas Filipino workers sa mga pagsabog ng pagers at walkie talkies sa Lebanon na isinisisi sa Israel.
Aabot sa 40 katao ang nasawi habang nasa 3,000 naman ang sugatan matapos ang pagsabog ng walkie-talkies na umano’y ginagamit ng Hezbollah operatives sa Lebanon.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa monitoring ng sitwasyon sa Lebanon.
Ani Cacdac, bukas pa rin ang iniaalok na reaptriation ng gobyerno sakaling may pilipino sa Lebanon na nais lisanin ang bansa. Kasabay nito, tiniyak ng ahensya na makakatanggap ng tulong ang OFWs mula sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare ang Development (DSWD).