Nag organisa ng isang “Consultation Meeting on the Japanese Language Training Course” ang Department of Migrant Workers.
Layon nito na mabigyan ng kasanayan ang mga manggagawang Pilipino para sa mga oportunidad sa trabaho sa Japan.
Binigyang-diin ni DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne “PY” M. Caunan ang kahalagahan ng pagtutulungang pagsisikap sa pagtugon sa mga hamon sa pagsasanay sa language training at examinations.
Ayon kay Caunan, ang naturang pulong na ito ay nagsilbing isang mahalagang platform para sa bukas na diyalogo
Aniya, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa lahat ng stakeholder, masisiguro nating matatanggap ng mga manggagawang Pilipino ang pinakamahusay na posibleng pagsasanay sa wikang Hapon, na sa huli ay magpapalakas ng kanilang competitiveness para sa mga trabaho sa Japan.
Nakilahok rin dito ang mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine recruitment agencies na kabilang sa Technical Intern Training Program (TITP) at Specified Skilled Worker Program (SSWP), at language training centers sa buong bansa.
Ang pakikilahok mula sa Embahada ng Japan sa Maynila at ng Japan Foundation Manila ay lalong nagpayaman sa mga talakayan.