-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na iniimbestigahan na ng mga otoridad sa South Korea ang 20 Filipino crew members ng cargo vessels na nahulian ng ilang toneladang cocaine.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, na hawak na ng mga otoridad ng South Korea ang kapitan ng barko at ang 20 Pinoy seafarers.

Kahit na mayroong abogadong ibinigay ang may-ari ng barko ay magpapadala rin ang DMW ng legal team para sa mga Pinoy Sea Farers.

Ang Norweigan-flagged cargo vessels ay mula sa Mexico at bumiyahe ng Ecuador, Panama at China bago huminto sa South Korea.