-- Advertisements --

Naisumite na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang DNA ng mga kamag-anak ng dalawang Pilipino dahil sa tumamang malakas na lindol sa Myanmar noong Marso 28.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, nangyari ang turnover ng DNA noong nakalipas na linggo.

Ito ay sa pag-asa na mapapabilis ang paghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay.

Saad pa ni USec. De Vega na nagmula ang kamag-anak ng mga Pilipinong nawawala sa Negros Oriental malapit sa capital ng Dumaguete at pinapunta sa NBI para kunan ang mga ito ng DNA.

Ayon kay USec. De Vega, bumalik ang mga kamag-anak ng missing Filipinos sa Dumaguete sa parehong araw at lahat ng kanilang gastusin sa kanilang isang araw na biyahe papunta at pauwi ay sinagot ng DFA.

Matatandaan, nauna ng kinumpirma ng DFA ang pagkasawi ng 2 Pilipino dahil sa lindol sa Myanmar.

Pumalo naman sa mahigit 3,600 katao ang nasawi dahil sa pagtama ng magnitude 7.7 na lindol.