Hindi si Reynaldo “Kulot” De Guzman ang natagpuang bangkay sa Gapan, Nueva Ecija kamakailan na may 30 saksak sa katawan.
Ayon kay Deputy Director General Fernando Mendez, batay sa DNA test hindi si Kulot ang nakitang bangkay.
Si De Guzman ang 14-anyos na kasama ni Carl Angelo Arnaiz noong gabi nang mapatay umano ng mga pulis na iniulat na nawawala.
Sinabi ni Mendez na kinuhanan ng vocal swabbing ang mga magulang ni De Guzman at saka kinumpara sa sample na kinuha sa cadaver.
Inihayag ni Mendez na nakipag-ugnayan ang PNP sa mag asawang Eduardo Gabriel at Lina De Guzman pero hindi ma-contact ang mga numbers na kanilang ibinigay sa PNP.
Ayon kay Mendez itinuturing nila na missing pa rin si De Guzman at hindi siya ang bankay na pinaglalamayan ngayon ng pamilya.
Ayon sa PNP crime lab nag-negative ang paternity testing na isinagawa sa DNA sample mula sa bangkay na narecover at sa sample mula sa mga magulang ng binatilyop na sina Eduardo Gabriel at Lina de Guzman.
Sinabi ni PNP crime lab DNA Division chief Police Chief Insp. Lorna Santos na ang accuracy ng DNA test ay 99.9 percent.