CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni dating city mayor at ngayon Phividec administrator Atty Franklin Quijano na maybahay nga niya ang unang babae na narekober na nagpalutang-lutang sa ilog sa Iligan City.
Ito ay batay sa resulta ng deoxyribonucleic acid (DNA) test na isinagawa sa labi ni Salma Theresa Gerona Quijano sa Maynila noong nakaraang linggo.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Quijano na nakaranas ng menopausal stage of anxiety ang kanyang asawa kaya nagkaroon ito ng medical mentainance.
Inihayag ni Quijano na batay sa kanyang paniniwala, naglalakad ang asawa nito sa gilid ng ilog hanggang sa naaksidente at nalunod.
Inamin ng abogado na maraming gamot na iniinom ang biktima na maaring nagpalala sa kanyang emosyon.
Una nang nag-match ang dental record ni Salma sa babae na nakita ng mga residente sa Mandulog River na kalaunan ay ito ang pinaghahanap ng pamilyang Quijano na missing noon pang Hunyo 27.
Nakatakdang ilibing ang labi ng biktima sa Iligan City sa Agosto 8, 2019.