-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkatig ng Supreme Court (SC) sa pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, magandang balita ito dahil napakahirap ang pagpapatupad nila sa Batas Militar.

Pahayag ng kalihim na hindi kasi maganda kapag sinabi nilang walang factual basis ang pagdeklara ng Martial Law.

“If they rule now lets say it has no factual basis, sabi ni president pag sinabi nilang walang factual basis e di tapos na, lifted na yung martial law but personally im happy that the supreme court may find it, it has legal basis so that we can continue our job properly until the end of Martial law which is 23 July,” pahayag ni Lorenzana.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni AFP spokesperson B/Gen. Restituto Padilla na masaya sila na pumanig ang kataas-taasang hukuman sa kanilang mga ginagawa para sa ikapapayapa ng sitwasyon sa Marawi.

Tiniyak ni Padilla na mangingibabaw ang rule of law kung saan hindi mauuwi sa pang-aabuso ang batas militar.