Kapwa nilinaw ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging pahayag ni AFP chief of Staff Gen. Gilbert Gapay hinggil sa pag regulate sa social media para hindi ito magamit at mapakinabangan ng mga terorista sa kanilang aktibidad lalo na at umiiral ang online radicalization.
Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo, patuloy na itataguyod ng AFP ang kalayaan sa pamamahayag sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law.
Paglilinaw ni Arevalo ang naging komento ng AFP chief ay batay sa kanilang karanasan at ng ibang pang mga bansa kung saan nagagamit ng mga terroista ang social media para makapag-recruit at makalikom ng pondo.
Kinumpirma ni Gapay na kabilang sa mga inputs na ibinigay ng AFP sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations sa Anti-Terrorism Law ay ang pag-regulate sa social media at maritime security.
Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang tinutukoy ni Gen Gapay na social media na dapat limitahan ay ang “darknet” kung saan namamayagpag ang mga ilegal na transaksyon sa internet.
Pero sinabi ng Kalihim na malabong ma-regulate ito dahil ang operasyon ng “darknet” ay “underground”.
Samantala, kasunod ng paggalaw sa pwesto sa AFP leadership, asahan na rin sa mga darating na araw na magkakaroon ng rigodon sa mga key position sa ground.
Ito’y kasunod ng pag retiro sa serbisyo ni retired Gen. Felimon Santos sa serbisyo.
Sa ngayon hindi pa pinapangalan kung sino ang pumalit sa pwesto ni Phil Army Chief Lt Gen. Cirilito Sobejana bilang commander ng Western Mindanao Command (Wesmincom).