-- Advertisements --

Nagpaabot nang pagbati ang Department of Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Maj. Gen. Allen Paredes sa kanyang pagkakahirang bilang ika-37 Commanding General ng Philippine Air Force (PAF).

Ito ay matapos aprubahan ng Pangulong Duterte ang appointment ni Paredes epektibo nitong January 17, 2020.

Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong ang malawak na karanasan at natatanging record ni Paredes ay malaking pakinabang sa Phil Air Force.

Sinabi naman ni AFP spokesperson Brig. Gen Edgard Arevalo na si Paredes ang isa sa pinakabihasang command pilots ng Air Force na nagsilbi sa militar ng 36 na taon.

Si Paredes ay dating nagsilbi bilang Wing commander ng 250th Presidential Airlift Wing, Chief of Air Staff at commander ng Air Logistics Command.

Si Paredes ay miyembro ng PMA Maringal Class of 1988.

Nitong araw na rin ang turnover of command na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magreretiro na kasi sa serbisyo si Lt Gen. Rozzano Briguez.