-- Advertisements --

Pinasalamatan ng Department of Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines ang naging papuri ni Pangulong Ferdinand Marcos sa mga kasundaluhan ng bansa.

Sinabi ni DND Secretary Gibo Teodoro na labis siyang nagagalak dahil sa hindi iniwan ng pangulo na bigyang pagkilala ang mga sandatahang lakas ng bansa.

Giit pa ng kalihim na hindi talaga matatawaran ang ginagawang sakripisyo ng mga kasundaluhan para maprotektahan ang West Philippine Sea.

Maging si AFP Chief Romeo Brawner Jr ay labis na ikinatuwa ang pagbibigay pugay ng pangulo sa mga kasundaluhan at taumbayan.

Pagtitiyak nito na gagawin nila ang lahat ng makakaya para mapanatili ang pangkalahatang kapayapaan sa bansa.