-- Advertisements --

Walang nakikitang banta mula sa China ang National Security Council at Department of National Defense (DND).

Kasunod ito sa pahayag ni Senator Imee Marcos na nakatutok ang hypersonic missiles ng China sa mga military installations ng bansa.

Una ng sinabi ng senador na kaniyang narinig sa balita at naniniwala itong makatotohanan.

Hindi naman ito minaliit ng Armed Force of the Philippines at sila ay nakipag-ugnayan sa senador ukol sa nasabing usapin.