Nangako ng pagpapaigting pa ng kooperasyon sa depensa at seguridad ang Department of National Defense at top official ng New Zealand.
Ito ay kasunod ng 2 araw na naging pagbisita sa bansa ni Right Honorable Winston Raymond Peters PC, Deputy Prime Minister (DPM) at Minister of Foreign Affairs ng New Zealand (NZ) mula Hunyo 10 hanggang 11 bilang parte ng pagsisikap ng naturang bansa para mapanatili at mapalakas pa ang engagementas sa Southeast Asia.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita sa DND ang isang opisyal na may ganoong ranggo mula sa NZ.
Nagpahayag naman ng pagpapahalaga si Defense Sec. teodoro sa matatag na suporta ng NZ sa PH at napapanahong enhanced defense cooperation ng 2 bansa na magandang hakbang tungo sa negosasyon para sa Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA).
Binigyang diin naman ni Deputy Prime Minister Peters ang pagpapalalim pa ng defense relationships ng 2 bansa para matugunan ang posibleng mga hamon sa West Philippine Sea gayundin ang mga ginagawang pagsisikap ng PH mas matatag pa ang diplomatikong alyansa ng bansa.
Pinuri din ng NZ official ang pagsisikap ng DND para labanan ang transnational organized crime at malinang pa ang intelligence efforts nito.
Kabilang naman sa mga highlight ng pagbisita ni Deputy Prime Minister Peters sa bansa ang paglagda ng Mutual Logistics Support Arrangement (MLSA), isang framework para sa pagbibigay ng logistics support sa pagitan ng 2 bansa