-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ng Department of National Defense (DND) ang posibilidad ng pagkakaroon ng spillover ng kaguluhan sa Israel.

Sinabi ni Defense Secretary Gilber Teodoro, na hanggang sa kasalukuyan ay wala silang nakikitang anumang spillover sa bansa.

Gaya aniya ng ibang bansa ay nakabantay ang kapulisan at kasundaluhan ukol sa nasabing usapin.

Nakahanda aniya ang bansa sakaling magkaroong ng spillover ng kaguluhan sa bansa.