-- Advertisements --

Binigyang diin ng Department of National Defence ang kahalagahan ng pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

Ginawa ng ahensya ang naturang pahayag kasabay ng paggunita ngayong araw sa ika-128 anibersaryo ng kamatayan ni Gat. Dr. Jose Rizal.

Ayon sa ahensya, marapat lamang na ngayong Rizal Day ay alalahanin ng mga mamamayang Pilipino ang mga sakripisyo ni Rizal sa bansa.

Kabilang na dito ang ipinamalas na pagmamahal ni Rizal sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatanggol sa ating soberanya.

Magsilbi rin aniyang huwaran ng mga Pilipino ang ipanamalas na tapang , talino at pagmamahal sa bayan ni Dr. Jose Rizal.