-- Advertisements --

Nag-courtesy call si French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz kay Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Jose Faustino Jr. ngayong araw sa Camp aguinaldo sa Quezon City.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, tinalakay ang pagpapalawak pa ng bilateral defense relations ng Pilipinas at France kabialng na ang kooperasyon sa pagtugon sa climate change, humanitarian assistance at disaaster response, information-sharing at defense acquisition.

Napag-usapan din ng France envoy at DFA chief ang ika-75 anibersayo ng pagkakabuo ng diplomatic relation sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa Ambassador ng France, ang Indo-Pacific region pa rin ay nananatiling prayoridad para sa france kasabay ng pagbibigay diin na ang pagdepensa sa seguridad ay ang unang pillar ng kanilanh Indo-Pacific Strategy na tumutukoy sa commitment ng pagtataguyod ng values ng kalayaan at rule of law sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapanatili ng pwersa.

Nagpasalamat din ang DND chief sa France para sa pagbibigay ng military education at training opportunities para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at nagpahayag ng buong suporta sa engagement ng France sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)