CAGAYAN DE ORO CITY – Idinepensa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kautusan ni President Rodrigo Duterte na ipatupad ang temporary travel ban sa bahagi ng China papasok sa bansa.
Ito ay matapos napasukan ng corona virus ang Pilipinas at nagtala ng isang fatality na Chinese national habang ginagamot dahil nakitaan ng sintomas simula noong nakaraang Enero 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Lorenzana na kailangan ito habang hindi pa humupa ang paglaganap ng sakit.
Inihayag ni Lorenzana na bagamat marami pa namang bahagi sa China ang hindi apektado sa virus at maaring makapunta sa bansa.
Subalit nilinaw ng kalihim na lahat ng mga banyaga na nagmula sa ibang bansa na positibo ng virus ay sasailalim sa medical isolation sa loob ng 14 na araw upang masiguro na hindi sila makagdagdag ng kaso.
Nilinaw naman ng DOH na nasa 80 na ang kaso na patients under investigation (PUIs) sa Pilipinas.
Kung saan umaabot sa 67 ang isolated sa ilang mga pagamutan.
Nasa 10 mga pasyente naman ang nakalabas na ng ospital pero sasailalim pa rin sa mahigpit na monitoring.