-- Advertisements --

Binuweltahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si dating Rep. Neri Colmenares sa pagsasabing huwag gamitin ang Sagay massacre para sa kampanya.

Ito’y matapos na isisi sa gobyerno ni Colmenares ang nangyaring pamamaril at pagpatay sa siyam na magsasakang miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Sagay City, Negros Occidental.

Sa statement na inilabas ni Lorenzana, sinabi nito na ang agarang paninisi sa gobyerno ni Colmenares ay pagpapakita lang kung gaano umano sila kadesperado na siraan ang Pangulo para makuha ang atensyon ng publiko.

Ayon kay Lorenzana, bilang isang abogado dapat daw ay alam ni Colmenares na hindi makatarungan na magbintang nang walang pruweba.

Giit ni Lorenzana, May ongoing investigation na kaya dapat ay tumigil muna sa pagbibigay ng anumang pahayag hanggang sa lumabas na ang findings ng imbestigasyon.

Malinaw aniya na nais lang samantalahin ni Colmenares Ang pagkamatay ng mga magsasaka para isulong ang kanyang politikal na ambisyon.

Si Colmenares na dating Bayan Muna party list representative ay tumatakbo sa 2019 elections bilang opposition senator sa ilalim ng Makabayan block.

“We take exception to the recent statement of Mr. Neri Colmenares on the very unfortunate incident that led to the deaths of nine (9) individuals in Negros Occidental. By blaming government forces right off the bat, Mr. Colmenares shows us how desperate he and his comrades are in trying to discredit President Duterte’s administration and gain public attention,” pahayag pa ni Lorenzana.