-- Advertisements --
Umapela si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa publiko na maghanda at manatiling alerto sa inaasahang epekto ng bagyong Kristine.
Bago pa man pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang panibagong bagyo, nagpaalala na ang kalihim sa publiko na maging maagap sa pagpaplano at manatiling updated kaugnay sa bagyo para matiyak ang kahandaan.
Nakikipag-tulungn na rin aniya sila sa lahat ng concerned agencies para makabuo ng isang komprehensibo at iisang action plan.
Ayon sa kalihim, base sa pagtaya ng Department of Social Welfare and Development, nasa mahigit isang milyong mga indibidwal ang posibleng maapektuhan ng bagyo.