Tatalakayin ni Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro ang pagpapahupa ng tensiyon sa West Philippine Sea sa idaraos na 21st edition ng International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Makikipagpulong ang DND chief sa mga counterpart nito at senior government officials mula sa iba’t ibang mga bansa.
Sasamahan ni Sec. Teodoro si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakdang magbigay ng talumpati para sa pag-marka ng pagsisimula ng premier defense forum ng Asia mula ngayong Mayo 31 hanggang Hunyo 2.
Aniya, nakatakdang talakayin ng Pangulo sa mga kalahok sa mga dadalo at international community ang posisyon ng gobyerno ng PH sa iba’t ibang hamon sa seguridad, depensa at diplomatic challenges at concern na kinakaharap ng PH at rehiyon.
Inihayag din ng Defense chief na nagsisilbi bilang mahalagang venue ang naturang dayalogo para matalakay ang magkakaibang posisyon sa maraming isyu, critical challenges at emerging concerns.